Anecdota:
HENERAL EMILINO RIEGIO DE DIOS
HENERAL EMILIANO RIEGO DE DIOS (1864-1926)
Isinilang si Emiliano Riego de Dios sa dakilang bayan ng Maragondon ng makasaysayang lalawigan ng
Ang Surot at ang Kaharian Mga Katutubong Pabula
May mga ilang buwan lamang, sa paunang pagtatanghal ng isang balitang pelikula sa isa sa mga pangunahing tanghalan sa lungsod, ang pinakamamahal na anak na babae ng hari ng mga surot ay nagkasakit.
Datapwa’t wala ni isa mang makatarok sa dahilan ng di-kilalang karamdaman ng prinsesa.
Ang kamangmangang ipinamalas ng mga manggagamot ay ipinag-alab ng poot ng hari ng mga surot. Kasabay ng paghahagis ng gintong setro sa pinunong surot na manggagamot ay iniutos sa kaniyang mariskal na ipagtabuyan ang lupon ng mga maharlikang manggagamot sa pinakamaruming tanghalan. Ang pagpapatapon sa mga surot sa gayong kababang uri ng mga sine ay mahigit pa sa parusang kamatayan. Ganito ang kanilang palagay.
Nguni’t ilang araw lamang ang nakalilipas, isang umaga’y isang matandang albularyong surot ang inihahatid ng mga tanod ng palasyo sa harap ng namimighating hari. Buong pagpapakumbabang hiniling niyang makita man lamang ang prinsesang may karamdaman at sa sandali ring iyon ay ilalapat ang kaukulang lunas.
“Natataya sa panganib ang iyong buhay, mapagpanggap na albularyo, pag ikaw ay nabigo,” ang nagbabalang wika ng hari. “Datapwa’t pag ikaw ay nagtagumpay, ako ang bahala sa iyo. Hangga’t nabubuhay ka ay magpapasasa ka sa mga dugong makukulimbat namin sa mga butika, sa mga pagamutan, at sa mga depot ng mga gamot sa buong kaharian.”
“Aking panginoon,” ang tugon ng albularyong surot, “kung ang kamatayan ko ang makahahango sa prinsesa sa kamatayan, ikaliligaya kong ihandog ang kaluluwa ng walang saysay na katawang ito. Hindi ako naghihintay ng gantimpala, at tungkol sa inimbak na dugo ay nagpapasalamat ako, nguni’t hindi matatanggap. Sa gulang kong ito, panginoon, hindi na kaya ng aking tiyan ang mga de latang pagkain.”
“Mabuti, mabuti,” anang makapangyarihang hari. “Tayo na sa silid ng maysakit upang makita ko ang iyong galing.” At ang dalawa ay gumapang na sa kinaroroonan ng prinsesa.
“Anino ni Deogenes!” ang sigaw ng hari. “Nababaliw ka ba?”
“Shh…” ang saway ng reynang surot, “alalahanin mong nasa silid ka ng iyong anak na may sakit, at wala sa pulong ng mga mambabatas.”
“Ikinalulungkot ko,” ang buong pagpapakumbabang wika ng hari. At nang sila’y makasapit sa tanggapan ng haring surot, “Matandang Linta, ikaw ba ay nakatitiyak sa sinabi mo?”
“Aking panginoon, kung ako man ay hindi si Matusalem, sa loob ng limapung taong pakikipamuhay ko sa daigdig ay nagkaroon din naman ako ng malawak na karanasan ukol sa maraming bagay. Nakapaglakbay na ako sa malalayong bayan at nakatikim ng iba’t ibang uri ng dugo ng tao sa lahat ng sulok at siwang ng daigdig. Naranasan ko ang magkaramdam ng lahat ng uri ng sakit ng tao, nguni’t buhay pa rin ako. Nabasa ko ang iba’t ibang makakapal na aklat na kinatatalaan ng kanilang karunungan. Narating ko na rin ang kanilang mauunlad na lipunan, gayundin ang sa mga mangmang. Paniwalaan mo ako, panginoon ko, na ang karamdaman ng prinsesa ay isang karamdamang sa atin man ay maaaring dumapo.”
“Ako ay mapipipi at matutuyuan ng katas ng buhay,” ang tutol ng hari. “Tayong lahat!”
“Tunay, panginoon ko,” ang patuloy ng albularyong surot, “sapagka’t tayo ay nabubuhay sa dugo ng isang lahing nagagahaman sa pananagana sa surplus pagkatapos mamuhay nang apat na taong pananalat – mga taong nabubuhay sa biyaya ng lumipas na digmaan. At marahil kung nabubuhay lamang ang dakilang bayani, masasabi niyang nanumbalik na naman ang pamamahala ng kasakiman. Ang tanging lunas po sa karamdaman ng iyong mahal na anak ay dugo ng tapat na pulitiko.”
“Saang impiyerno ng daigdig na ito makakakita ng tapat na pulitiko?”
“Hindi ko matatanggap iyon,” ang umiiyak na tugon ng reyna. “Mamatamisin ko pa ang mamatay kaysa makita kong mabuhay ang aking anak na tulad ng isang multo ng pulitikong lameduck!”
“At, Inyong Kamahalan,” ang patuloy ng matandang surot, “ang serum na makapagpapagaling sa prinsesa ay dapat manggaling sa isang Pilipino. Ang dugo ng ibang lahi, kahit na napakamatapat, ay hindi makagagaling.”
Nakasisira ng loob ng marinig ang hatol na tiyak na hindi maisasakatuparan. Ang hari at reyna ay sandaling nawalan ng malay-tao.
“Diyos ko!” At ang matandang surot ay nagkurus. “Hindi ko sinasabing walang matapat na pulitikong Pilipino.”
Pagkalipas ng isang oras ay pinagbalikan ng ulirat ang hari at reyna. Si Sinker, ang ministro, ay dumulog sa hari upang iharap ang kaniyang payo.
“Ipagpatawad ninyo, mga kamahalan,” ang simula nito, “bakit po naman hindi maaari ang dugo ng karaniwang mamamayang Pilipinong matapat?”
“Siya nga naman,” ang ayon ng haring nag-ukol ng makabuluhang tanaw sa matandang surot.
“Panginoon ko,” ang tutol ng matandang surot, “sapagka’t ang sakit na anemia ng karaniwang matapat na mamamayan ay higit na malugha kaysa taglay na karamdaman ng mahal na prinsesa. Ang totoo po, ako ay may hinalang ang karamdaman ng prinsesa ay galing sa isang matapat nguni’t anemikong manggagawa.”
“Paano makababayad ang isang matapat na mahirap sa lodge ng isang pangunahing tanghalan. Hindi yata ako makapaniwala sapagka’t hindi kikita ang matatapat ng sapat na salapi upang makapasok sa lipunan ng mga maharlika.”
“A, panginoon ko,” ang paliwanag ng albularyo, “marami pong matamis ang dila at mapagsamantala sa panahong ito. Dahil dito’y mayroon din naming mga matatapat na mamamayang madaling mapaglalangan ng mga kabilanin at matatabil na pulitiko. Marahil po ay naanyayahan ang isang taong mangmang at upang lubos na mapapaniwala ang walang muwang na tao ay sa upuan ng mga maharlika siya pinaupo. Ang ipinagtataka ko po lamang ay bakit ang prinsesa lamang ang nagkasakit?”
“Kulang-palad na anak ko!” ang himutok ng reyna.
“Inyong Kamahalan,” sa tinig niyang gumaralgal, “Iyan po ay isang kataksilang maingat na binalangkas… isang pakanang Maka-Hitler upang mapuksa an gating lahi.”
“O, ano!” ang pukaw ng hari, “Magsalita ka, matandang surot, magsalita ka.”
“Nasabi ko nap o, aking panginoon, na hindi maililigtas ng dugo ng karaniwang mamamayan ang buhay ng prinsesa sa tiyak na kamatayan. Gayon pa man ay huwag tayong mag-aksaya ng panahon. Magtipon tayo ng dugo ng karaniwang tapat na mamamayan upang maging pansamantala’y huwag nating panghinayangan ang panahon at buhay na gugugulin natin sa pagtuklas ng pambihirang lunas kahit saan at kahit kalian.”
“Makitid ang noo!” anang ministro. “Wala akong tiwala!”
“Kailangang maisagawa natin ang lahat ng kailangan nang buong pagsisikap,” ang paninindigan ng albularyo. “Kung tayo’y mag-aaksaya ng panahon, maaaring maibuwis nating lahat ang malusog na dugo ng matapat na mga mamamayan sa lupang ito, sa bayang ito. Kung gayon ay mabibigo tayo sa hangaring mailigtas hindi lamang ang inyong maharlikang angkan kundi pati ang inyong lahi.”
“Tunay, tunay,” ang sang-ayon ng hari, “magaling na pangungusap, matalino at matandang surot. Mula ngayon, puno ka ng aking mga tagapayo.”
Si Sinker, naman ang tinanaw ng hari at pinagbilinan ito: “Ikaw ay inaataan kong siyang mag-aalaga sa albularyo. Kapag siya’y hindi nasiyahan, malalagay sa panganib ang iyong buhay.”
“Matutupad pong lahat ang inyong bilin.”
“Kapitan ng mga tanod,” ang sigaw ng hari, “paparituhin mo ngayon din si Mariskal Probosis.”
Samantala’y natira na lamang ang hari sa pagkabahala sa malubhang kalagayan ng kaniyang anak at sa pagkasira ng loob ng mga mamamayan ng Surutya.
“Gumagamit kaya ng DDT ang mga Pulitiko sa kanilang tahanan o sa Batasang Gusali?” ang tanong ng hari sa sarili. Pagkatapos magkamot ng ulo ay nagpatuloy, “Walang salot, pagkatapos sunugin ng mga Hapon ang Maynila na makahihigit sa DDT sa pagpuksa sa aking libu-libong matatapat na sakop. At ngayon ay naririto naman ang anemia… salamat na lamang at itinatago ng mga mapagsamantalang mangangalakal ang kanilang DDT.”
Naulinigan ng reyna, samantalang nagpapasasang sumisipsip ng dugo ang ginang ng lipunan, ang ibinubulong ng hari. Pagkatapos na kuskusin nito ang kaniyang nguso ay lumapit sa hari. “Tumigil ka nga ng kabubulong. Naaalaala ko tuloy noong ikaw ay makasipsip ng dugo ng isang lasenggong mananalumpating sampay-bakod. Isang lingo ka noong nahibang. Muntik na tuloy nagkaroon ng pahihimagsik dahil sa kahibangan mo.”
“Oh, panginoon ko!” ang daing ng hari. “Kailan pa kaya kami makalilikha ng dugo na abot-kaya ng isang karaniwang surot upang kami’y hindi na umasa sa mga sakim at gahamang tao?”
“Oh, Diyos ko!” ang dalangin ng reyna, “
“Siya nga po naman,” anang haring sisinghut-singhot. “Papatayin ako ng pangamba, mahal ko. Mayroon bang isang lasenggo riyan? Kailangan ko ng kaunting dugo niyon upang mabigyang-lakas ang aking kaluluwang namamatayan ng pag-asa.”
“Hayun ang isang lasenggo sa tabi ng maharlikang ginang. Sa palagay ko’y lasing na lasing.”
“Sa palagay mo ba’y walang halo kung uminom iyan?”
“Aywan ko. Ako’y hindi marunong kumilala ng alak. Sa pakiwari ko’y alcohol ng kahoy ang iniinom niya.”
Binalingan ng hari ang albularyo. “Ano ang palagay mo? Sa tingin ko’y isa siyang pusakal na pulitiko.”
“Sa palagay ko, aking panginoon, ay isang sawing-palad na guro.”
Sa di-kawasa ay dumating din ang Probosis. Ang kaniyang anyo’y sukat kapootan ng hari.
“Probosis, huwag mong ilalapag ang gusgusin at walang kabuluhang talaang iyan. Tila ka isang tenedor de libro sa impiyernong laging may taglay na talaan ng mga parurusahan sa araw ng paghuhukom.”
“Dinaramdam ko pong makapagdulot sa inyo ng sukat ikapoot. Nguni’t noong minsang maiwan ko ito sa aking tanggapan, ang ilan pong mahahalagang usapin ay naglaho at napalitan dahil sa pakikipagsabwatan ng ilang nasa Dakilang Sanggunian ng Surutya sa mga taong may masasamang-loob.”
“Isang kabuktutan na naman,” ang bulong ng hari sa reyna.
“Dahil po sa nangyari,” ang patuloy ng mariskal, “ay wala akong nagawa kundi pawalan ang ilang mapanganib na criminal na dahil sa kagagawan ng mataas na tao sa pamahalaan ay nakukuhang gawing laruan lamang ang batas. Muntik ko nang maipatibtay ang isang batang paslit na ang tanging pagkakasala ay napalitan ng pagkakanulo, pakikipagtulungan, pagpapataas ng halaga, pagpapasuhol, panghuhuwad, pagnanakaw, pag-iwas sa buwis…”
“Tumigil ka na,” ang saway ng hari. “Hindi ka na nakapagpaliwanag sa maikli at maliwanag na pangungusap. Kung ang mga hatol na ignagawad ninyo sa mga salarin ay kasing-haba ng walang katapusang pangungusap sa iyong mga ulat, isa mang salarin ay walang makalalaya.”
“Nguni’t, mahal na hari, ayon sa aking napag-alaman buhat sa mga makapangyarihang surot, ang maluwag na pagpapabayad ng malaking piyansa upang ang mga salarin ay makalaya pagkatapos ay isang paraan upang kumita ang pamahalaan. Ang mga nagsisipagbayad niyon ay hindi tumututol
“Siya nga,” ang patuyang wika ng hari, “sapagka’t ang kanilang mga biktima ay siyang tumututol para sa kanila.” Pagkatapos na agawin at ihagis ang lalagyan ng talaan. “Ako’y may higit na mahalagang bagay na ipagagawa sa iyo. Hindi kaila sa iyong ang aking anak ay may karamdaman. Kailangan niya ang dugo ng matapat na pulitikong Pilipino para sa kaniyang lubusang paggaling.”
“Dapat sana’y nakapagbitiw na ako ng tungkulin noong isang taon,” ang nagsisising bulong ng mariskal.
“Makinig ka,” ang bulong ng hari, “pakilusin mo ang lahat ng iyong mga tauhan, ang iyong mga maniniktik, mga kaututang-dila, ang iyong mga kumpare at kumara. Gamitin mo ang natutuhan mo sa iyong college degree o third degree. Saliksikin ninyo ang lahat ng sulok sa pagtuklas ng lunas at kung kayo’y mabibigo, ipatatapon ko kayosa kabuluk-bulukang sine.”
“Inyong Kamahalan,” ang dugtong ng matandang surot, “iutos po ninyo sa mariskal na iatas sa kaniyang mga tauhang sipsipin ang lahat ng dugo hanggang mamatay ang lahat ng masasamang tao, lalo na ang mga pulitikong may dugong gahaman, at ipatapon ang lahat ng mga surot na may nalasong pag-iisip. Sa ganitong paraan, yaon lamang mga masunurin ang magmamana ng kaharian.”
“Mariskal,” ang hadlang ng hari, “ang payo ng matandang albularyo ay kailangang masunod nang walang kulang.”
Yumukod ang mariskal at bubulung-bulong na nagwika sa sarili: “Mga walang hunos-dili!” Ano ako, atomik!”
“At bayaan mong bigyan kita ng tip, mariskal,” anang reyna, “bilang isang inang maunawain, naniniwala akong makasusumpong ka ng matapat na pulitiko.”
“Magaling!” ang saad ng hari. “Saan? Saan?”
“Marahil ay sa tatlong pook. Una, sa labas ng kaharian; ikalawa, sa mga tahanan; ikatlo, doon sa walang nakatitiyak. Hindi kaya?”
At ang mariskaly ay yumaong sumusumpang, “Kung kinakailangan ay tutuyuin ko ang lupaing ito.”
Dahong Palay, Timbubuli at Bubuyog
Mga Katutubong Pabula
Ang Bugyon ay isang liblib na nayon sa isang maliit na bayan ng Bulakan. Bago iyon marating mula sa kabayana’y may tatawirin munang isang maluwang at malalim na ilog. Ang makipot at baku-bakong karsada’y nayuyungyungan ng mayayabong na sanga ng naglalakihang puno ng mangga at akasya, kaya’t malamig ang simoy ng hangin sa nayon kahit sa katanghalian. Ang mga bahay ay mga yari sa pawid at kawayan at halos iisa ang anyo. May ilang bahay na tabla at isa na rito ang bahay ni Tata Martin.
Mula sa durungawang kinalalagayan ko’y kitang-kita ko ang silong ni Tata Martin. Maliwanag ang buwan
“Paanong gagaling si Tonyo, Ka Tentay. Sabi mo raw ay magkain ng sustansiya katulad ng itlog, atay, karne at manok. Naku, di nalagasan ng bagang si Tandang Tikang! Biro mo ba naming bumiliiyon ng isang bulig, ibinigay, at nang iluto ay dalag. Malaki na.”
Lalo akong napatawang nag-iisa nang maalaala ko ang sagot niya sa akin, “Masama pa ba amana ng isang itlog maghapon, isang tasang gatas at isang saging?” “Naku, kangino kaya ipamamana ang kayaman ng matandang ito?” naibulong ko tuloy sa sarili.
Namataan ko rin si Tandang Kuwalang hilot na nagkakatikot at katabi ng bangko. Minsa’y naratnan ko siya sa isang itinawag sa aking hindi mapanganak at ang sabi’y kaya raw nangamumutla ang mga pinapanganak ng doktor ay hindi raw luto.
“”Ano pong klasent putahi iyon at kailangan pa nating lutuin?” ang biro ko naman.
Naaninaw ko ri si Kanor na ama niyong batang may sunong na tinik isang umaga. Paano raw ay may bikig at ipinahilot na raw sa suhi’t ipinakamot na sa paa ng pusa ay hindi pa raw maalis ang tinik sa lalamunan. Nang aking pangangahin at bunutin ang tinik sa pamamagitan ng isang pang-ipit ay napasigaw si Kanor at marunong din daw pala akong mag-alis ng tinik.
Naroon din si Konsa na manas na manas ang mga paa.
“Kulang poi to sa Bitamina B-1,” ang sabi ko sa kanyang ama. Napatanga sa akin ang matanda at tila hindi maunawaan ang aking sinasabi.
“Kulang po siya sa sustansiya, lalo na iyong mga nakukuha sa gulay, bungang-kahoy, karne at…”
“
Matagal kong ipinaliwanag ang bagay-bagay na nauukol doon at sa wari ko’y nauunawaan din ako ng mag-ama.
Nakilala ko rin kahit na nakatalikod si Tomas. Minsan pa’y hindi ko napigilan ang aking pagtawang mag-isa. Paano’y naalaala ko noong minsang pumanhik sa akin, parang binibilang ang hakbang at hindi magkantututo ng sasabihin. Paano raw kaya niyang masasabi.
“Sabihin mo’t nang matulungan kita,” pampalakas ng loob kong payo.
Parang nangiti nang alanganin. Lihim daw ang sakit niya. Sa loob ko nama’y alangan pa sa kanya ang magkasakit nang lihim na katulad ng mga sakit ng mga bohemyo sapagka’t napakabata pa niya at sa pook na iyon ay walang nababalitaang nagbibili ng aliw.
“Hindi hu naman ganyan, Ka Tentay,” ang marahan niyang paliwanag matapos niyang malamang ibang sakit ang aking tinutukoy.
“Ang akin hung… ‘kuwan’… ay… kung bakit hu sumusunod ng paglaki sa pagsuwag ng tubig. Kung kati hu nama’y maliit,” ang sa wakes ay naipagtapat niya.
“Naku, batang ito, iyan lamang pala. Akala ko tuloy ay kung ano nang sakit ang ibig mong sabihin,” nakatawa kong sabi.
“Naisip ko ho tuloy na baka iniitsahan na ako ng timbubuli ni Isko.”
“Naku, huwag kang maniwala roon. Hindi kulam iyan. Iyan ang sinasabing luslos at ang dahilan niya’y ang katutubong luwag ng iyong palasinsingan sa singit. Kailangan lamang na iyan ay mahigpitan sa pamamagitan ng operasyon.”
“Ay, salamat naman, Ka Tentay. Akala naming talaga’y katulad ng ginawa ng Kuring sa leeg ni Idad. Akalain mo ba naming itsahan ng timbuubli! Naku, e, lumaki ang leeg ni idad. Tingnan mo’t pati yata mata ni Idad ay lumuluwa na tuloy sa hirap,” kuwento ko sa sarili.
At sinikap kong maunawaan niyang ang paglaki ng leeg ay isang sakit na may kinalaman sa pagkukulang ng yodo sa katawan ng tao.
“E teka nga muna, Ka Tentay,” ang tila alinlangan pa niyang habol.
“Bakit naman ang Ka Atring. Hinagisan daw ni Kuring ng bubuyog kaya priming may bumubulong sa kanya. Naririnig mo sigurong kahit hatinggabi’y sumisigaw ang Ka Atring. Paano’y ayaw siyang patulugin ng bubuyog, ha, Ka Tentay,” tila pagbabalitang pagtatanong ni Tomas.
Nagsimula na naman ako ng pagpapaliwanag na ang sakit sa utak ay napakaraming sintomas at ito’y isa lamang sa mga iyon. Hindi ko masabi kung ako’y naunawaan ni Tomas nguni’t tumango siya nang tumango.
Saka, napadako ang aking tingin sa tatlong nagbabayo ng palay sa malayu-layo nang kaunti sa silong ng Tata Martin. Naaninag kong si Lusing ka-isang anak ni Tata Martin ang kakatlo nina Ipe at Sidro. Maganda ang lagapak ng halo sa lusong. Kahit bilisan ng dalawang lalki ang lagpak ng halo ng lusong ay nasusundan ni Lusing.
“Paano akong magkakaberi-beri, Ka Tentay, pagpag naman ang aking katawan,” ang tila tutol niya sa aking pagkakilala sa kanyang pamamanas at paghingal-hingal noong minsang kumunsulta siya sa akin.
“Pagpag nga ang katawan mo, nguni’t hindi ka naman kumakain ng mga bagay na kailangan ng iyong katawan,” ang simula ko na naming paliwanag. Naging matagal din an gaming pag-uusap kaya inakala kong naunawaan niya ang aking mga sinabi.
Walang anu-ano’y nakita kong may nag-anasan sa silong ng tata Martin. Biglang huminto ang tatlong nagbabayo at sila’y lumapit sa pag-aanasan. Nang mapatingin ako sa tarangkahan lalo akong napataka sapagkat tila marami ang mga umpukan noon kaysa noong mga biang gabi. Bigla akong kinabahan sapagka’t sumaloob kong baka dudukutin ang isa sa mga anak na binata ni Tata Martin. Laganap noon ang mga dukutan at ang mga nagpapanggap na Hukbalahap ay siyang namamayani noon sa lahat ng dako. Sa pakiramdam ko’y biglang lumamig ang hihip ng hanging nagmumula sa tabing-ilog at ako’y kinilabutan. Nang mapatingin akong muli sa nag-aanasan sa silong ay napansin kong papalapit sa aking kinalalagyan si Lusing.
“Ka Tentay,” ang halos paanas niyang tawag sa akin samantalang siya’y appalapit, “huwag ka sanang matatakot, hane, mayroong idaraan dito.”
“Ano ‘yon?” ang mangha kong tanong.
“Kukunin sila Kuring ngayong gabi,” ang muling anas sa akin ni Lusing.
“Kukunin? At bakit? Saan sila dadalhin?” ang sunud-sunod kong tanong kay Lusing.
“Naku, hindi ka pa ba naniniwala, Ka Tentay? Kasi e pinaglalaruan nila si Konsa. Tingnan mo’t ayaw nilang patulugin ang Ka Atring at kung anu-ano ang ipinakikita nila kung gabi. Tingnan mo si Idad, pinalaki nila ang leeg; si Tomas, ang…” napahalakhak si Lusing nang mahina, “at marami pa sa baryong ito. Mabuti na nga ang malipol ang mga mangkukulam na ‘yan.”
“Saan nga sila daalhin?” ang takot kong tanong.
“Sa tabi ng ilog,” sagot niyang madali.
“E papatayin ba?”
“Ewan ko lamang, Ka Tentay, pero maraming galit sa mag-aanak na ‘yan.”
“Kawawa naman sila, dalaga pa naman si Kuring,” ang malungkot kong nasabi. Ako’y napailing nang hindi sinasadya.
Hindi pa halos natatapos ang aking sinabi ay siyang pagdaraan ng isang babaing may piring ang mga mata at nakapagitna sa dalawang lalaking umaakay sa kanya.
Natigil ang usapan sa silong at napaglingunan ang mga tao sa nagdaan. Tumakbo si Lusing, sinunggaban ang halo at tinawag ang mga kasama.
“Bayo na tayo,” tawag niya sa kanyang mga kakatla.
At nagsimula na naman ang katluhan, subali’t madalang at mahina ang lagapak ng halo.
Hindi nagtagal at isang matanda naming lalaki ang nakapiring ding idinaan na nakapagitna rin sa dalawang lalaking hindi ko nakuhang makilala dahil sa pagtingin ko sa matanda. Ang mga kamay ng nakapiring ay nakagapos sa likod. “Mga kriminal!” ang nais kong ihiyaw. Nagdurugo ang aking puso sa awa, nguni’t nang mga panahong iyp’y ulo ang kapalit ng diwang pinagkakatinig.
Isang lalaki naming kasibulan ang idinaang nakapagitan rin sa dalawang lalaking nangingintab ang hawak sa kamay. Nakagapos din ito nang abotsiko at nakapiring din ang mata.
“Iyon marahil si Kardo, ang kapatid ni Kuring,” ang bulong ko sa sarili.
Dahan-dahan akong nanaog at maingat na nangubli sa bakod ng bahay kong tinitirhan at unti-unti akong lumapit sa silong ng Tata Martin upang marinig ko ang usapan. Nakapangubli ako sa isang malaking puno ng santol na napapaikutan ng mga puno ng saging nang walang sino mang nakapansin sa akin. Dinig na dinig ko roon ang usapan. Biglang napatigil ang anasan. Para akong nakarinig ng isang tili ng babae. Sa liwanag ng buwa’y sari-saring pangitain ang nagsasayaw sa aking paningin. Sa liwanag ng buwa’y naguguni-guni kong lalong dumidilim ang panahon.
Isang lalaki ang patakbong galing sa ilog. Madali siyang sinalubong ni Tata Martin. Mahina ang usapan, nguni’t sapat upang aking maunawaan. Ibinitin daw nang patiwarik si Kuring at pinagpistahan ng malilikot na mata ang kasariwaan ng katawan ng dalaga.
Isang lalaki naman ang patakbong dumating. Masayang-masaya. Nagsiamin na raw ang mag-aama. Timbubuli raw ang hawak ni Tandang Potong, dahongpalay ang kay Kardo at bubuyog ang kay Kuring. Nangako raw na pagagalingin nila si Konsa. Paliliitin daw ang kuwan ni Tomas, paliliitin ang leeg ni Idad at lahat ng maysakit ay talaga raw na pagagalingin.
Patakbo akong nagbalik sa aking tinitirhan at dahan-dahan kong ipininid ang mga durungawan upang di ko na makita ang pagdaraan ng kulang-palad na mag-aama at nadama ko ang lamig ng gabi at naisip kong napakatagal pa ng umaga sa nayong iyon.
Ang Magkakaibigang Isda
Mga Katutubong Pabula
Ang karagatan ay punung-puno ng maraming kasaysayan. Ang kasaysayang ito na mababasa mo ay nahahalintulad din sa kasaysayang maaaring mangyari sa lupa. Ating tunghayan at alamin ang kanilang pagkakahalintulad.
Noong isang panahon sa isang maliit na ilog na dumadaloy sa karagatang Pasipiko ay may tatlong isda. Ang pinakamaliit ay punung-puno ng sigla na hindi siya mapipigilang lumangoy hanggang sa pinakamalayong bahagi ng ilog nang nag-iisa.
Isang araw ay sumapit siya sa bahagi ng ilog na dumadaloy sa bibig ng dagat.
“Ang lawak pala ng mundo,” wika niya sa sarili. Ang akala ko’y napakalaki na ng ilog na tinitirhan namin.”
Nagmamadaling bumalik ang maliit na isda sa ilog at nakatagpo niya ang dalawa niyang kasamahan.
“Nais kong tingnan ang buhay sa karagatan. Mukhang napakarami kung matutuhan sa kalawakan nito,” ang sabi ng maliit na isda.
“Mapanganib pumunta doon,” wika ng malaki at marunong na isda. “Higit na ligtas ka rito laban sa mga mangingisda sa dagat,” ang dugtong pa nito.
Ngunit palayo na ang isdang maliit.
“Huwag kayong mag-alaala,” sambit niya. “Di ako matatagal. Babalik din ako dito sa atin.”
Pagsapit niya sa bunganga ng dagat ay mabilis siyang naanod ng hugos ng tubig.
“Ang laki pala talaga nitong karagatan. Ni wala akong makitang mga batong malalaki, di tulad sa aming ilog.”
“boom! Boom!” ang narinig niyang tunog sa malayong dako.
“Ano kaya iyon?” nagtatakang wika niya.
Lumangoy siyang patungo roon. Ngunit nahinto siya at nakita niyang maraming maliliit pang isda kaysa kanya ang lumulutang sa tubig. Kung hindi
Pabalik na siya sa ilog. “Ayaw ko na yatang magpatuloy pa,” wika niya. “Mukhang mapanganib nga rito.”
Ngunit hindi siya makapagpatuloy. Siya ay dala-dala ng lambat ng isang mangingisda.
“Ang lalaki ng mga isdang iyon!” ang sabi niya ay sabay angat ng lambat upang sila naman ang hulihin.
Nakawala ang maliit na isda at ang dalawang kaibigan niyang isda’y mabilis ding lumangoy kasama niyang pabalik sa ilog.
“Salamat, mga kaibigan,” wika ng maliit na isda.” Kung hindi sa tulong ninyo marahil ay wala na ako.”
“Lihim kaming sumunod sa iyo,” wika ng isa.
“May narinig akong mga putok at nakita kong maraming mga isda ang naglutang sa tubig. Ano ba iyon?” tanong niya.
“Ah, iyon ay mga putok ng dinamita. Ginagamit ng ilang masasamang mangingisda iyon upang mapadali ang paghuli nila ng isda,” wika ng malaking isda.
“Naniniwala ka na ba sa amin? Ang lugar na kinalakhan mo ay tahimik at maraming kaginhawaang maibibigay sa iyo,” wika niya.
“Ang panganib ay di gaano at marami tayong magtutulungan,” sagot ng kasama niya.
“Hindi na ako lalayo dito. Pakikinggan ko ang payo ninyo at salamat na muli mga kaibigan.”
At patuloy siyang lumangoy sa malamig na tubig ng ilog.
ANG ASO
AT ANG KANYANG ANINOIsang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali-daling hinawakan ang buto sa pamamagitan ng kanyang bibig.
Dinala niya ang buto upang iuwi sa kanyang tirahan, ngunit nang siya ay malapit na, napadaan siya sa isang ilog. Pinagmasdan niya ang ilog at doo'y nakita niya ang sariling anino. Sa pag-aakalang ibang aso iyon na may hawak-hawak ring buto sa bibig, tinahulan niya iyon nang tinahulan upang maangkin din ang butong pag-aari nito.
Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak at nahulog sa ilog. Tinangay ng agos ang buto at hindi na uli nakuha pa ng sakim na aso.
ANG INAHING MANOK AT
ANG KANYANG MGA SISIW
Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman ng mais. Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at sinabing, "Panahon na upang anihin ko ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang aking mga kapit-bahay upang tulungan ako sa aking pag-ani bukas!"
Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, "Kailangang lumikas na tayo rito at humanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag-ani bukas at huhulihin upang patayin!"
"Huwag kayong mabahala mga anak," ang wika ng inahing manok. "Kung mga kapit-bahay lamang ang aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon! May panahon pa tayo upang manirahan dito."
Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga'y walang mga kapit-bahay na dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka.
"Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-anak ako lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!"
"Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang ina. Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, "Kung sa mga kamag-anak lamang siya aasa hindi magsisipagsunod ang mga iyon! May mga trabaho ring dapat asikasuhin ang mga iyon at tiyak na hindi maasahan. May panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!"
Kinabukasan nga'y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan.
Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, "Bukas na bukas din, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. Wala tayong ibang maaasahan kundi ang ating mga sarili!"
Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka.
ANG UWAK NA NAGPANGGAP
Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa. Pinagmasdan niya iyon at nasiyahan sa iba't ibang kulay na taglay niyon. At dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang katawan.
Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala bilang kauri ng mga ito.
Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak.
Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng uwak. Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan.
Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. At sinabing, "Hindi namin kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa sariling anyo!"
NG LOBO AT ANG KAMBING
Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.
Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo. "Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito," ang sabi ng lobo. "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing.
"Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon."
"Papaano?"
Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing, "Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko."
Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.
"Pray without ceasing." 1 Thessalonians 5:17, KJV
The Lord's Prayer
16 English-Language Versions
18 Foreign-Language Versions
Manalangin kayo sa ganitong paraan: Ama namin na nasa langit, pakabanalin ang pangalan mo. Dumating nawa ang paghahari mo. Mangyari nawa ang kalooban mo dito sa lupa gaya ng sa langit. Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. Patawarin mo kami sa aming pagkakautang, gaya naman ng pagpapatawad namin sa mga nagkakautang sa amin. Huwag mo kaming dalhin sa tukso, sa halip iligtas mo kami sa masama, sapagkat iyo ang paghahari, ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian magpakailanman. Siya nawa.
King James Version
After this manner therefore pray ye: Our Father which art in heaven, Hallowed be thy name. Thy kingdom come, Thy will be done in earth, as it is in heaven. Give us this day our daily bread. And forgive us our debts, as we forgive our debtors. And lead us not into temptation, but deliver us from evil: For thine is the kingdom, and the power, and the glory, for ever. Amen.
Tagalog, Juan 3:16-18
Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ito ay sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang kaniyang anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan. Sinugo niya ang kaniyang anak upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan niya. Siya na sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan. Ang hindi sumasampalataya ay nahatulan na sapagkat siya ay hindi sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Diyos.
King James Version
For God so loved the world, that he gave his only begotten Son, that whosoever believeth in him should not perish, but have everlasting life. For God sent not his Son into the world to condemn the world; but that the world through him might be saved. He that believeth on him is not condemned: but he that believeth not is condemned already, because he hath not believed in the name of the only begotten Son of God.
No comments:
Post a Comment